Barangay captain sa Batangas, patay sa drug buy-bust

Paulo Ferrer, ABS-CBN News

Posted at May 31 2017 08:35 AM

LAUREL, Batangas - Patay ang kapitan ng isang barangay sa bayang ito matapos umanong manlaban sa mga pulis na nagkasa ng buy-bust operation, Miyerkoles.

Nabilhan ng mga operatiba ng ilegal na droga ang kapitan ng Barangay Poblacion I na si Charlie Macapuno alyas Ka Boy.

Nakatunog umano si Macapuno nang mapansin ang isang pulis kaya agad na pinaputukan ang mga operatiba. Gumanti naman ng putok ang mga awtoridad at tinamaan ang suspek.

Hindi na umabot nang buhay ang suspek nang isugod sa pinakamalapit na ospital.

Matagal na umanong minamanmanan ng pulisya si Macapuno bilang high-value target dahil natukoy itong nagtutulak at gumagamit ng bawal na gamot.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .45 na baril at isang pakete ng droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.