2 Oplan Tokhang surrenderer, tiklo sa buy-bust

Fred Cipres, DZMM

Posted at May 31 2017 10:14 AM | Updated as of May 31 2017 10:51 AM

Dalawa ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Paombong, Bulacan madaling araw ng Miyerkoles.

Ala-1 ng madaling araw nang mahuli si Bryan Fausto sa Barangay San Isidro Uno.

Nakabili ng shabu na nagkakahalaga ng P300 ang poseur buyer mula sa suspek.

Nakuha ang tatlo pang sachet na hinihinalang shabu at buy-bust money.

Pasado alas-2 ng madaling araw naman nang makabili ng P300 halaga ng shabu mula sa suspek na si Juliet Evangelista na mula sa kaparehong barangay.

Agad na hinuli ang suspek at nakuha mula dito ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Parehong surrender sa Oplan Tokhang Double Barrel ang dalawang nahuling suspek.

Nakakulong na sa Paombong Police Station ang mga suspek na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.