173 pamilya sa Iligan City na lumikas sa bakbakan, tinulungan ng Lingkod Kapamilya

ABS-CBN News

Posted at May 31 2017 10:29 PM

Namahagi ng relief goods sa 173 pamilya sa Iligan City ang ABS-CBN Operation Sagip nitong Miyerkules.

May 173 pamilya ang natulungan ng Lingkod Kapamilya Sagip sa Brgy. Maria Christina, Iligan City nitong Miyerkules.

Nagpamahagi ng 5,000 relief goods na naglalaman ng 4 kilo ng bigas at canned goods ang Operation Sagip.

Nanawagan naman ang mga residente para sa mga pagkain ng bata, gatas, sapin at kumot.

Mag-iikot muli sa evacuation areas sa lugar ang Operation Sagip.

Ayon sa Office of Civil Defense, 91,460 na indibidwal ang nasa evacuation centers dahil sa pag-atake ng teroristang Maute sa Marawi Cirty. 

Tinatayang nasa 22,865 ang mga pamilyang lumikas sa bakbakan sa Marawi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.