Si Sen. Risa Hontiveros sa isang hearing noong April 19, 2023. Joseph Vidal, Senate PRIB/File
MAYNILA — Nais ni Sen. Risa Hontiveros na mailagay nang malinaw sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) ang partikular na kaparusahan sa mga opisyal na masasangkot sa kurapsyon at mas mabigat na kaso ng katiwalian ukol sa naturang pondo.
Sabi ni Sen. Mark Villar, ituturing na mga public official ang mga magiging opisyal ng Maharlika Investment Corporation (MIC).
Pero nagtataka si Hontiveros na walang mabigat na pagkakakulong ang mga opisyal ng MIC.
“Perhaps those could be made more explicit in the body of the bill. Kasi nga sa unang pagtingin, nakakagulat na walang jail time. So tinaasan yung capitalization by almost 600% pero ang fine ng penal provision ay barya kung ikukumpara sa public funds na hawak ng MIC. Maximum of 5-million penalty and no jail time?” ani Hontiveros.
Sabi ni Villar, may mga penal liabilities ang mga opisyal ng MIC na mapapatunayang tiwali.
Pero naniniwala si Hontiveros na dapat tiyakin sa panukala ang tamang kaparusahan sa mga opisyal na masasangkot sa kurapsyon.
Bukas naman si Villar na maamyendahan ang panukalang Maharlika Investment Fund at mailagay dito ang mga nararapat na kaparusahan sa mga opisyal nito.
Sakop din aniya ang mga opisyal ng kapanyarihan ng Anti-Money Laudering Council.
HINDI DAPAT TAWAGING SOVEREIGN WEALTH FUND?
Si Sen. Koko Pimentel naman ay binalikan kung ano nga ba ang itatawag sa investment fund sa ilalim ng MIF. Naniniwala kasi siya na ang mga bansang mayroong sovereign wealth fund ay ang mga mayayamang bansa lamang na may surplus sa kanilang pondo.
“Actually the sovereign wealth fund to my understanding is a solution to a pleasant problem. The pleasant problem is may surplus sila bigla silang may windfall. We are not in such a situation. If messaging is important, let us be truthful in our messaging. Let’s cut and stop the claim that it is a sovereign wealth fund because it is not,” aniya.
Sabi ni Villar, inirerespeto naman niya ang pananaw ni Pimentel pero wala aniyang ipinagkaiba ang MIF sa uri ng investment ng ibang mga bansa na maaring magkakaiba lang aniya ng katawagan.
Lumabas din sa pagdinig ng Senado na dapat ay Pilipino ang presidente ng MIC. Pero tatlo sa siyam na opisyal ng board nito ay papayagang ang mga dayuhan o ang mga independent directors nito.
“We want to attract possible directors who have know-how, necessary to give their advice on matters that are related to investment. We thought that it was necessary - perhaps global expertise that would have given more legitimacy - more expertise to the Maharlika Fund and that’s the reason why we wanted these independent directors who could come from various sectors to lend their expertise to the fund,” ani Villar.
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.