Larawan mula sa PDRRMO Cagayan.
Nasa 310 pamilya o 1,006 katao ang lumikas sa Cagayan dahil sa bagyong Betty, ayon sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, hapon ng Martes.
Pinakamarami ang mga lumikas sa Santa Ana na umaabot ng 140 pamilya na kinabibilangan ng 425 indibidwal.
Nakapagtala naman ng 104 pamilya na kinabibilangan ng 371 indibidwal ang isinailalim sa pre-emptive evacuation sa Gonzaga.
Samantala, 18 indibidwal sa Gattaran at 20 indibidwal sa Santa Teresita ang nananatili sa evacuation centers.
Karamihan ng mga lumikas ay nakatira malapit sa dagat, at sa bundok na delikado sa landslide.
Binigyan ng mga relief goods ang mga lumikas na residente.
Nakararanas ang mga nasabing lugar ng makulimlim na kalangitan na may pagbugso-busgong ulan at pagbayo ng hanging simula pa Lunes.
- ulat ni Harris Julio
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.