PatrolPH

Sundalo sugatan sa pamamaril ng mga hinihinalang rebelde sa Mati City

ABS-CBN News

Posted at May 30 2021 01:15 PM | Updated as of May 30 2021 04:27 PM

Sundalo sugatan sa pamamaril ng mga hinihinalang rebelde sa Mati City 1
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pananambang sa mga sundalo sa Mati City, Davao Oriental, Mayo 30, 2021. Retrato mula sa Mati City Information Office

(2ND UPDATE) Sugatan ang isang sundalo matapos ang isang engkuwentro sa mga hinihinalang miyembro ng New People's Army nitong umaga ng Linggo sa Mati City, Davao Oriental.

Ayon sa pahayag ng 10th Infantry Division (ID), nagkaroon ng 10 minutong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng 66th Infantry Battalion (IB) at tinatayang 10 armadong rebelde sa Barangay Badas bandang alas-8:50 ng umaga.

Pumunta umano sa naturang lugar ang mga sundalo para beripikahin ang ulat na may mga rebelde doon.

Isinugod sa Davao Oriental Provincial Hospital ang nasugatang sundalo, na ngayo'y nasa maayos na kondisyon na.

Nag-deploy na ng dagdag na tao ang 66 IB para matugis ang mga rebelde.

"The few remaining terrorist rebels just wanted to project strength by conducting terrorist acts, even with their already weak force, to show that they are still a force to reckon with," sabi ni Maj. Gen. Ernesto Torres Jr, commander ng 10th ID.

Kinondena ni Mati City Mayor Michelle Rabat ang aniya'y isolated case na insidente.

— Ulat ni Francis Magbanua at Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.