PatrolPH

Mga resort sa Samal Island tigil-operasyon muna dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

ABS-CBN News

Posted at May 30 2021 11:37 AM

Suspendido sa loob ng 2 linggo ang operasyon ng mga resort sa Samal Island, Davao del Norte dahil sa COVID-19.

Sa utos ng lokal na pamahalaan ng Samal Island, suspendido ang operasyon ng mga resort mula Hunyo 1 hanggang 14 dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod at mga karatig-lugar.

Kailangan umanong kanselahin ang mga booking ng mga turista.

Napansin ng city tourism office na dumadagsa ang mga tao sa mga resort ng isla para magbakasyon, at mayroon ding ibang mass gathering ang mga turista.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na mabibigyan ng ayuda ang mga apektadong manggagawa ng mga resort.

Nasa 651 ang bilang ng active COVID-19 cases sa probinsiya.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.