Arestado ang isang barangay chairman sa Barotac Nuevo, Iloilo matapos makuhanan ng hindi lisensiyadong baril nitong Sabado, ayon sa mga awtoridad.
Naghain ng search warrant ang Criminal Investigation and Detection Group-Iloilo (CIDG) laban sa naturang chairman sa Barangay Cruz matapos makatanggap ng ulat na palagi itong may dalang baril.
Sa paghalughog sa bahay, nakuha sa chairman ang isang .45 caliber pistol at mga bala.
Pero isinugod sa ospital ang opisyal matapos magreklamo ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga.
Habang naka-hospital arrest ang chairman, inihahanda ng CIDG ang kasong paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition laban sa kaniya.
— Ulat ni Rolen Escaniel
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, rehiyon, regions, regional news, Barotac Nuevo, Iloilo, illegal possession of firearms, barangay, barangay chairman