P210,000 halaga ng marijuana binunot, sinunog sa Kalinga

ABS-CBN News

Posted at May 30 2020 02:42 AM

Mga larawan mula sa Kapulisan ng Kalinga

Mahigit P210,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa kabundukan ng Barangay Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa ulat ng mga pulis, bago madiskubre ang plantasyon ng marijuana, mayroon umanong mga armadong kalalakihan na umiikot sa lugar.

Nasa 300 square meters ang laki ng lugar.

Walang nahuling marijuana cultivator sa operasyon.

--May ulat ni Maira Geneva Wallis Nuarin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.