Liquor ban sa Antipolo aalisin na simula Hunyo 1

ABS-CBN News

Posted at May 30 2020 02:52 PM

MAYNILA - Aalisin na simula Hunyo 1 ang liquor ban na ipinatutupad sa Antipolo City, kasabay ng pagluwag sa quarantine protocols sa bansa. 

Ayon sa Antipolo City local government, tanging ang mga may quarantine pass lang ang maaaring bumili ng alak. 

Gayunman, pagbabawalan pa rin ang pag-inom sa mga pampublikong lugar. Dapat sundan pa rin ang pagbawal sa mass gatherings sa ilalim ng kasalukuyang quarantine protocols. 

Simula Lunes ay sasailalim na sa mas maluwag na general community quarantine ang Metro Manila, Calabarzon at iba pang lugar sa bansa. 

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News