Truck sumalpok sa 4 poste sa UN Ave.

ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 07:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Bumangga ang isang 10-wheeler truck sa 4 na magkakakumpol na poste ng kuryente sa eastbound lane ng UN Avenue sa Maynila, Huwebes ng umaga.

Kuwento ng driver, paliko na sana siya sa UN Avenue patungo sa Roxas Boulevard nang mawalan ng kontrol sa trak na may mga lamang bote ng softdrink na dadalhin sana sa Pampanga.

Sa lakas ng pagkakabangga, naputol ng trak ang 2 kahoy na poste habang tumagilid naman ang 2 pang posteng gawa sa semento. Nabasag din ang windshield ng truck at nayupi ang harapang bahagi nito.
 
Wala namang nasaktan sa aksidente at hindi rin ito nakaapekto sa trapiko dahil sa bangketa humambalang ang trak. Hindi pa ito maialis sa lugar, dakong alas-7 ng umaga, dahil posibleng matumba ang mga poste ng kuryente.

Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.