Suspek sa pagpatay sa binatilyo sa Tondo timbog

ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 05:54 AM | Updated as of May 30 2019 07:49 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Nahuli ng mga pulis Huwebes ng madaling-araw ang suspek na umano'y pumatay sa isang binatilyo sa Tondo.

Ayon kay Police Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo ng Raxabago police, natunton nila ang 23 anyos na suspek sa tinutuluyan nitong bahay sa Barangay 66.

Sa kuha ng CCTV, iniwan ng suspek ang motorsiklo at nagpalit pa ng damit.

Aminado ang lalaki na siya ang nasa CCTV video, pero itinangging siya ang bumaril kay Kevin Lois Monsod, 16 anyos.

Nagpapasalamat ang pamilya ng biktima as mabilis na pagkahuli sa suspek at umaasang tuluyang mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng binatilyo.—Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.