5 menor de edad na gumagamit ng solvent, nasagip sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 05:05 AM

MAYNILA—Nasagip ng mga pulis ang 5 kabataang gumagamit ng solvent sa Abad Santos Ave., Maynila Miyerkoles ng gabi.

Nahuli silang nagkukumpulan sa center island kung saan nagkalat ang mga plastik at tela na ginagamit panglanghap ng solvent.

May edad 14 hanggang 15 ang mga kabataang na-rescue. Ilan sa kanila, naglayas umano sa kanilang mga bahay.

Ayon naman sa pulisya, 2 sa mga nasagip ay pabalik-balik na sa lugar. Itu-turnover sila sa kustodiya ng barangay. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.