1 patay, 3 sugatan sa pamamaril, pananaksak sa Bacolod

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 06:20 PM | Updated as of May 30 2019 06:34 PM

BACOLOD CITY - Isa ang patay at 3 naman ang sugatan sa pamamaril at pananaksak sa Barangay 9 nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-away sina Villarido Basingcol at Lorenzo Dioso sa labas ng bahay ni Basingcol sa Purok Tapulanga.

Nagkainitan ang dalawa dahil daw pawang nakainom.

Ayun sa pulisya, may bitbit na sumpak si Basingcol habang si Dioso naman may bitbit na patalim.

Naagaw ni Dioso ang sumpak at binaril nito si Basingcol na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Nabaril din ang mag-amang barangay tanod na sina Alfredo Fernin Sr at Jr. nang rumesponde sa gulo. 

Nagtamo naman ng sugat mula sa pananaksak si Dioso.

Patuloy silang ginagamot sa ospital.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.