Trak bumangga sa poste, van sa Antipolo; 5 sugatan

ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 07:57 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sugatan ang 5 katao nang bumangga ang isang 10-wheeler truck sa isang poste ng kuryente at isang L300 van sa Sumulong Highway sa Antipolo, Miyerkoles ng umaga. 

Kabilang sa mga sugatan ang pahinante ng trak na kritikal ngayon ang kalagayan sa ospital. Ayon sa mga saksi, tumilapon mula sa trak ang naturang pahinante. 

Nawalan umano ng preno ang trak kaya ito bumangga, ayon sa drayber. Sa lakas ng impact, tumagilid pa ang malaking trak at nagkalat sa kalsada ang mga karga nitong recyclable materials.

Dalawang poste pa ang natumba nang tamaan ng nabanggang poste ng kuryente. May isang maliit na bahay ring nadamay sa aksidente pero walang residente na nasaktan.

Nakilala naman ng isang sa mga awtoridad ang drayber dahil dati na umanong na-impound ang dala nitong trak dahil wala ring preno. Sa katunayan, kalalabas lang aniya kahapon ng trak sa impounding area.

--ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.