Suspek sa droga, patay sa buy-bust operation sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 05:36 PM | Updated as of May 30 2018 08:39 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Napatay ang isang drug suspect matapos makipagbarilan sa pulis sa isang buy-bust operation nitong madaling araw ng Miyerkoles sa Barangay Concepcion, San Pablo, Laguna.

Nakabili pa ng droga ang operatibang si Police Officer 2 Elizer Lajara pero nakahalata ang suspek na si Jeffrey Tanaya kaya bumunot ng baril at nakipagpalitan ng putok.

Nakaligtas si Lajara dahil nakasuot ito ng bulletproof vest.

Nakuha sa suspek ang isang baril, mga bala at limang sachet ng shabu.

Tatlong suspek naman ang naaresto sa isa ring buy-bust operation sa Barangay I-C noong Martes.

Nahuli ang mga suspek na sina Rodolfo Viterbo, Christopher Peñaflor, at Ferdinand Lapuz, na pawang kabilang sa drugs watchlist ng San Pablo City.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang baril, mga bala, granada, mga sachet ng shabu, at sari-saring drug paraphernalia.

Bukod sa pagtutulak ng droga, sangkot din umano sa gun-for-hire ang mga suspek.

Sila ang itinuturong responsable sa dalawang insidente ng pamamaril noong Disyembre at Marso.

Sinampahan ng patong-patong na kaso ang mga suspek.

-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.