Lolo sugatan matapos mabundol ng 'humaharurot' na habal-habal

ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 01:36 PM | Updated as of May 30 2018 01:51 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakahandusay at sugatan sa kalsada ang 65 taong gulang na si Eduardo Aliyacyac matapos umanong mabangga ng "humaharurot" na habal-habal sa Buhangin, Davao City nitong Martes ng gabi.

Nilapatan agad ng first aid ang biktima pagdating ng Central 911. Nagtamo ng sugat sa kaliwang paa ang lolo, na ayon sa kaniyang mga kaanak ay nakaugalian nang maglakad mag-isa pauwi.

Pero giit ng nakasagasa, mabagal lang kaniyang pagpapatakbo noong oras na mahagip niya si Aliyacyac.

Kuwento ng nakabundol na si Mark Bucano, nakita niyang tumatawid ang matanda at bigla umano itong umatras bahagya, dahilan para masagasaan niya ang biktima.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury si Bucano.

Bukod pa dito, maaari rin siyang ireklamo dahil hindi nito dala ang rehistro ng motor at wala rin siyang suot na helmet.

Paalala ng awtoridad, sundin ang overspeeding ordinance at ugaliing magsuot ng helmet

--Ulat ni Berchan Angchay, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.