Dating sumuko sa tokhang patay nang makipagbarilan umano sa pulis

ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 10:49 AM

MAYNILA - Patay ang isang hinihinalang drug pusher matapos makipagputukan umano sa mga pulis sa Sto. Domingo, Quezon City, Miyerkoles. 

Aarestuhin sana sa buy-bust operation ang suspek na si alyas "Joel" pero bumunot umano ito ng kalibre .38 na revolver at pinaputukan ang mga pulis na gumanti rin ng putok. 

Wala namang nasaktan sa mga operatiba. 

Ayon sa pulisya, dati na ring sumuko sa Oplan Tokhang ang suspek. Iniimbestigahan rin kung bahagi si alyas Joel ng mas malaking sindikato ng droga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.