PatrolPH

4 patay sa magkahiwalay na buy-bust sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 08:19 AM

Watch more on iWant or iWantTFC

BULACAN - Patay ang 4 na hinihinalang tulak sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Bulacan Miyerkoles ng hatinggabi.

Ayon sa pulisya, nauwi ang mga operasyon sa engkuwentro matapos umanong magpaputok ang mga suspek.

Pareho ring kalibre .38 na baril ang ginamit ng mga suspek.

Unang naganap ang engkuwentro sa Barangay Santol sa bayan ng Balagtas.

Dead on the spot si alyas Lito Onse. Nakatakas naman ang kasama nito na sakay ng motorsiklo.

Nagkaroon din ng engkuwentro sa Barangay Pinagkuartelan sa bayan ng Pandi.

Patay si Allan Dexter Dela Cruz na dati nang sumuko sa mga awtoridad.

Nakatakas naman ang 2 kasama nito na sakay ng motorsiklo.

Sa Barangay Paco, Obando, patay rin ang isang alyas Ali na umano'y tulak ng droga.

Nakatakas din ang kasama nito.

Nauwi rin sa engkuwentro ang buy-bust sa Barangay Cutcot sa bayan ng Pulilan.

Patay ang traysikel drayber na si Layas Gorio. - ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.