11 timbog sa drug ops sa 'Little Tawi-Tawi' sa Cainta

Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Posted at May 30 2018 01:32 PM

MAYNILA - Timbog ang 11 hinihinalang drug users at pushers sa operasyong isinagawa ng pulisya sa "Little Tawi-Tawi" sa Cainta, Rizal ngayong Miyerkoles ng umaga.

Isa mga naaresto ng pulisya si alyas "Jun" na tumalon pa sa katabing creek sa pagtatangkang tumakas. Aminado ang naturang suspek na gumagamit at nagtutulak siya ng droga sa lugar

Ayon sa pulisya, hindi basta-basta napapasok ng mga awtoridad ang lugar kahit may mga ulat ng krimen dahil armado ang mga suspek dito. 

Narekober sa sa mga nahuling suspek ang 24 na pakete ng hinihinalang shabu, 4 na pakete ng marijuana, gayundin ang dalawang revolver.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.