Mas mahigpit na ang pagpapatupad sa curfew hours dito sa Maynila para tiyakin na wala nang mga menor de edad na pakalat-kalat sa lansangan simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Ito’y matapos ang rambulan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa Tambunting Street kung saan sangkot ang hindi bababa sa 20 katao.
Pinatawag sila at ang kanilang mga magulang ng mga pulis upang tuldukan na ang kaguluhan at bigyang babala sa mga reklamong pwede nilang kaharapin.
Ang mga magulang na hayagan ang pagpapabaya sa mga menor de edad ay maaaring patawan ng multa na P2,000 hanggang P5,000 at may pagkakakulong na isa hanggang anim na buwan.
Mas pinalakas rin ng pulisya ang kanilang ugnayan sa barangay para sa pagbabantay at pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.