PatrolPH

Ilang bahay sa Misamis Oriental, nasira dahil sa malakas na hangin at ulan

ABS-CBN News

Posted at May 29 2022 05:27 PM

Courtesy: Teodulfo Bombeo
Courtesy: Teodulfo Bombeo

MANILA — llang bahay ang nasira dahil sa malakas na hangin at ulan sa Barangay Taytay, El Salvador City, Misamis Oriental, Sabado ng hapon.

Sa mga litrato ng City Disaster Risk Reduction And Management Office, kita ang mga nilipad na yero at bubong ng bahay, pati na ang mga natumbang kahoy sa daan.

Ayon kay Teodulfo Bombeo, hepe ng El Salvador CDRRMO, aabot sa 36 na pamilya ang apektado matapos magtamo ng sira ang mahigit 30 na bahay sa lungsod.

Aniya, namataan din ang buhawi sa lugar bago ang pagkasira ng ilang bahay.

Courtesy: Teodulfo Bombeo
Courtesy: Teodulfo Bombeo

Dalawang oras na hindi madaanan ang kalsada roon dahil sa mga nakahambalang na puno, pero agad na nagsagawa ng clearing operations ang mga awtoridad.

Batay sa weather outlook ng PAGASA, ang mga pag-ulan at malalakas na hangin ay dulot ng thunderstorm.

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.