PatrolPH

Higit P1 milyong halaga ng 'shabu' nakumpiska sa Laguna; suspek huli

ABS-CBN News

Posted at May 29 2022 07:26 AM

Retrato mula sa Laguna Public Information Office
Retrato mula sa Laguna Public Information Office

Aabot sa higit P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa Siniloan, Laguna, sabi ngayong Linggo ng mga awtoridad.

Hinuli ang 51 taong gulang na suspek matapos niyang bentahan ng ilegal na droga ang pulis na nagpanggap na buyer, ayon kay Col. Ronald Florez.

Sa kabuuan, 11 sachet ng hinihinalang shabu, na may timbang na 150 gramo, ang nakuha sa suspek.

Kasong pagbebenta at pagmamay-ari ng ilegal na droga ang kakaharapin ng suspek, ayon sa pulisya.

— Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.