PatrolPH

8 anyos na lalaki patay matapos umanong paluin ng tsinelas ng ina, stepfather

ABS-CBN News

Posted at May 29 2022 10:05 AM | Updated as of May 29 2022 10:19 AM

Watch more News on iWantTFC

Patay ang isang 8 taong gulang na lalaki sa Pasig City matapos umanong paluin ng tsinelas ng kaniyang ina at stepfather o amain.

Ayon sa pulisya, nasa kustodiya na nila ang ina ng bata na si alyas "Kim" at kinakasama nitong si alyas "Germarc."

Mayo 27 nang isugod sa ospital ang bata pero binawian ng buhay, ayon sa ulat ng mga awtoridad.

Lumabas umano sa cursory examination sa katawan ng bata na nagtamo ito ng hematoma o pamumuo ng dugo sa mga braso at binti.

Aminado umano ang mga magulang na dinisiplina nila ang bata sa pamamagitan ng pagpapa-squat at pagpalo ng tsinelas.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung may malalim pang sanhi ang pagkamatay ng bata, bunsod na rin sa dami ng mga pasa na tinamo nito.

Nahaharap umano sa kasong homicide at parricide ang 2 naaresto.

— Ulat ni Reiniel Pawid, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.