PatrolPH

Barangay chairman patay sa pamamaril sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at May 29 2022 07:20 AM

Patay ang isang barangay chairman sa Malabon City matapos pagbabarilin nitong Sabado ng mga taong sakay ng motorsiklo.

Ayon sa mga saksi, nakaupo ang biktimang si Felimon Villanueva, chairman ng Barangay Tonsuya, sa tapat ng kaniyang bahay nang bigla itong pagbabarilin ng riding-in-tandem.

Dinala sa ospital ang biktima at inoperahan pero kalauna'y binawian din ng buhay.

Ayon sa mga kaanak, wala silang ideya kung ano ang motibo sa pagpaslang kay Villanueva, na 4 na taon nang nagsisilbing barangay chairman sa lugar.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

— Ulat ni Larize Lee, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.