PatrolPH

3 batang magkakapatid, patay sa sunog sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at May 29 2022 08:34 PM

MANILA — Patay ang 3 menor de edad na magkakapatid sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Kaliraya Street, Barangay Tatalon, Quezon City ngayong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog mga pasado alas-4 ng umaga sa ikatlong palapag ng bahay nila Jude Marie Santos at kinakasama niyang si Yorie Alimagno.

Nakatalon mula sa ikalawang palapag ng bahay si Jude Marie dala ang sanggol na anak, gayundin ang panganay na anak ng kinakasama.

Pero naiwan ang 3 pang anak ni Jude sa nasusunog na bahay. Nasawi ang mga ito nang kalaunan.

Nagtamo naman ng pinsala sa katawan at agad dinala sa ospital ang mga nasugatan sa sunog, habang patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi nito.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.