Power interruption naranasan sa Metro Manila, mga kalapit na probinsiya

ABS-CBN News

Posted at May 29 2020 07:15 PM

MAYNILA - Mahigit 1,000 na residente sa Metro Manila at kalapit na mga probinsya ang nakaranas ng power interruption nitong Biyernes.

Line trouble bunsod umano ng malakas na ulan ang dahilan ng power interruption sa ilang bahagi ng Maynila, Pasig City, Rizal, Parañaque City, Quezon City, Cavite at Laguna.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, aabot sa 1,425 na konsumer ang naapektohan ng naturang interruptions.

Tinatayang dalawang oras ang power restoration, ani Zaldarriaga.

Ongoing na ang pagkukumpuni ng power lines at siniguro ng Meralco na magbabalik na sa normal ang suplay ng kuryente Biyernes ng gabi. -- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.