Agri dept. determinadong isulong ang urban gardening program sa buong bansa

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at May 29 2020 02:48 AM

Mga P400 milyong halaga ng seeds at seedlings ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa 2 milyong sambahayan, ayon sa pamunuan ng ahensiya.

MAYNILA--Nakapamahagi ang Department of Agriculture ng P400 milyong halaga ng seeds at seedlings sa 2 milyong household sa buong bansa, ayon sa pamunuan nito Huwebes.

Bahagi ito ng isinusulong ng DA na urban gardening program kung saan hinihikayat ang publiko na magtanim sa kanilang bakuran.

May ipinamahagi rin na 33,000 na backyard garden starter kits ang agricultural training institute sa Caloocan City at Quezon City.

Ang Department of Trade and Industry ay nakapagtayo rin ng urban agriculture project sites sa maraming bahagi ng Metro Manila.

Para palakasin pa ang kampanya ng DA lalo sa mga millennial, kinuha ng ahensya ang Kapamilya actor at singer na si James Reid bilang ambassador for food security.

Ani Agriculture Secretary William Dar, mismong si Reid ay engaged sa urban agriculture at maluwag umano niyang tinanggap ang alok ng DA para pasikatin ang buong “plant, plant, plant” program ng ahensya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.