Suspek sa pagpatay sa 2 senior citizen sa QC, patay nang umano’y manlaban

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 09:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Napatay ng mga pulis ang suspek sa pamamaslang sa senior citizen matapos umanong mang-agaw ng baril sa police mobile nitong gabi ng Miyerkoles. 

Mag-aalas-7 ng gabi nang mabaril ng pulisya si Cal Joseph Bañanola, na pangunahing suspek sa pananaksak sa mag-asawang senior citizen at kanilang kasambahay sa Barangay San Agustin, Novaliches. 

Ayon kay Roselle Cejas ng Quezon City Police District Station 4, pabalik sana sila ng Camp Karingal matapos ang inquest sa Quezon City Hall of Justice. 

Hiniling umano ng suspek na luwagan ang kaniyang posas sa Kalayaan Avenue. Pinagbigyan naman ito ng nakabantay na pulis, ngunit bigla na lang umanong inagaw ng suspek ang baril nito. 

Matapos noon ay binaril umano ni Cejas ang suspek. 

Naidala pa raw sa East Avenue ang suspek, ngunit idineklara itong dead on arrival. 

Ilang oras bago mapaslang ay naaresto si Bañanola sa Caloocan City matapos pagsasaksakin ang mag-asawang senior citizen at ang kanilang kasambahay nitong Linggo, Mayo 26.

Nasa drugs watch list ng barangay at nagde-deliver ng itlog sa mga biktima si Bañanola. — Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.