Negosyante, driver patay sa ambush sa Sultan Kudarat

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 05:42 PM

SULTAN KUDARAT, Maguindanao — Patay ang isang negosyante at ang kasama nitong driver matapos silang tambangan sa Barangay Rebuken nitong tanghali ng Miyerkoles. 

Basag ang salamin ng sasakyan at duguan sa loob ang dalawang biktima na kinilalang sina Dayaba Kari, negosyante, at driver nitong si "Gani."

Sa imbestigasyon ng Sultan Kudarat police, galing ng Cotabato City ang dalawa at papunta sana sa Pigcawayan, North Cotabato.

Pagdating sa Bgy. Rebuken, pinagbabaril na umano ang mga biktima ng ilang gunmen na sakay ng SUV. 

Tumanggi munang magbigay ng pahayag ang pamilya ng mga biktima.

Si Kari ay ama umano ng isang election officer sa Maguindanao.

Blangko pa sa ngayon ang pulisya ukol sa motibo sa krimen. 

—Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.