Lalaking nagmaneho sa passenger seat aalisan ng lisensiya: DOTr

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 06:07 PM

 

Tatanggalan ng lisensiya ng Department of Transportation (DOTr) ang isang lalaking nag-viral sa social media na nagmamaneho nang nasa passenger's seat ng sasakyan. 

In-upload ni Miko Lopez ang video sa social media, subalit bago pa niya ito mabura, nai-save na rin ito ng DOTr. 

"His license will be revoked, and he will also be disqualified from applying for a driver's license again in the future," anila sa kanilang Facebook page. 

Sa video ni Lopez, makikitang nagmamaneho siya ng kotse nang hindi nakaupo sa upuan ng driver kundi sa tabi nito. 

Nauna nang ipinunto ng DOTr ang video ni Lopez, at nanawagan sa publiko na huwag tularan ang ginawa nito. 

 

Kabilang sa mga ikakaso sa kaniya ay reckless driving, hindi pagsusuot ng seat belt, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle. 

Kakasuhan din ng illegal modification si Lopez dahil sa isa pa niyang video kung saan tinanggal nya ang manibela ng kotse saka niya minaneho. 

-- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.