PatrolPH

Apartment, bodega nasunog sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 05:51 AM

MAYNILA - Nasunog ang isang apartment at bodega sa Barangay 582, Sampaloc, Maynila Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog pasado alas-4 ng madaling-araw at umabot sa ikalawang alarma.

Idineklerang fire out ang insidente alas-5:30 ng madaling-araw. Inaalam pa ng mga bombero ang pinagmulan ng sunog.

Apektado ang nasa 10 pamilya na nakatira sa 5-door na apartment. Tinatayang nasa P500,000 ang danyos ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.