Preso sa Antipolo City Jail, patay sa bugbog

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 29 2018 11:24 AM

MANILA - Patay ang isang preso matapos bugbugin ng kapwa preso sa Antipolo City Jail, Lunes ng gabi.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Margine Sanchez.

Ayon sa Antipolo Police, unang humingi ng tulong sa isang kapwa preso ang biktima dahil nahihirapan siya sa paghinga.

Agad siyang dinala sa Rizal Provincial Annex pero hindi na umabot pang buhay sa pagamutan.

Nang siyasatin ang katawan, napagalaman na pinagbubugbog pala ang biktima ng mga kapwa presong sina Jimmy Apable, Rodelio Alcuriza at Daniel Sallan.
 
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.