Binatilyo, huli sa 'sextortion' sa Mandaue

ABS-CBN News

Posted at May 29 2018 05:10 AM | Updated as of May 29 2018 07:25 AM

MANDAUE CITY, Cebu - Arestado sa Mandaue City nitong Lunes ang isang 19-anyos na lalaki matapos umanong magbanta sa isang babae na ipapakalat ang mga maseselang retrato nito.

Nahuli ang suspek sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos humingi ng tulong ang biktima sa mga awtoridad.

Kuwento ng biktima, nagbanta ang suspek na ilalabas ang mga pribado niyang larawan kung hindi siya makikipagtalik sa binatilyo.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspek nang kunan ng komento ukol sa reklamo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng NBI sa modus operandi. - ulat ni Edgar Escalante, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.