'Pangulo, igagalang ang Kongreso, SC sa martial law'

ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 12:03 AM

Bukod sa kaniyang rape joke, matinding batikos din ang inabot ng pahayag ni Pangulong Duterte, na hindi nito pakikinggan ang Korte Suprema o Kongreso pagdating sa martial law. Pero ayon naman sa tagapagsalita ng Pangulo, handa si Duterte na respetuhin ang anumang desisyon tungkol sa kaniyang deklarasyon ng batas militar. Nagpa-Patrol, Pia Gutierrez. TV Patrol, Lunes, 29 Mayo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.