Negosyante binaril sa loob ng sasakyan sa Marikina

ABS-CBN News

Posted at May 29 2017 10:29 AM

Dead on the spot ang isang negosyante makaraang pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Barangay Nangka, Marikina, Lunes.

Nakilala ang biktima na si Gudofredo Espiritu, 47-anyos na may-ari ng isang tindahan ng sapatos sa lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, minamaneho ni Espiritu ang kanyang sasakyang lulan din ang kanyang asawa at 3 taong gulang at kakaparada lang sa tapat ng kanilang bahay sa St. Benedict Subdivision nang mangyari ang pamamaslang.

Binaril ng mga naka-motorsiklo at hindi pa nakikilalang salarin si Espiritu bago pa man makababa ng sasakyan.

Nakaligtas naman ang maybahay at anak ni Espiritu, na kapwa nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.

Siyam na basyo ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril ang narekober sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.