Crame binulabog ng bomb scare

ABS-CBN News

Posted at May 29 2017 11:37 AM

Courtesy of Bombi Espenelli

Pinaghinalaang bomba ang laman ng tatlong bagaheng iniwan sa labas ng Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police, Lunes ng umaga.

Pasado 9:00 ng umaga nang makita ang mga bagaheng iniwan sa pader ng kampo at kinailangang isara ang Gate 2 ng Camp Crame at hindi pinayagang makalapit ang mga motorista at pedestrian sa lugar.

Nakita namang pampersonal na gamit lamang ang nasa loob ng mga bagahe matapos gamitan ng water disruptor ng PNP bomb squad.

Courtesy of Bombi Espenelli

Ayon kay Sr. Supt. Edwin Capanzana, chief of staff ng PNP Explosive Ordnance Division, kinailanganan nilang gamitan ng water disruptor ang 3 kargamento matapos makita sa kanilang x-ray na may cellphone at power bank sa loob nito.

Naging mabigat naman ang daloy trapiko sa EDSA South-bound dahil sa bag napaghinalaang bomba. 

Naganap ito habang naka-full alert ang pulisya sa Metro Manila kasunod ng martial law na idineklara ni Pangulong Rodrigo sa buong Mindanao matapos ang bakbakan ng mga puwersa ng gobyerno kontra sa mga teroristang Maute Group.

- ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.