Barangay chairman huli sa tangkang panunuhol ng pulis

Noel Alamar, ABS-CBN News

Posted at May 29 2017 04:20 PM

Dinakip ang isang barangay chairman at kasama nito matapos tangkaing suhulan umano ang chief of police ng Silang, Cavite Lunes. 

Kinilala ni Silang police head Chief Insp. Lory Tarrazona ang mga suspect na sina Barangay Paliparan Chairman Remigio Beberino at Barangay Justice Officer Luis Sarimos, kapwa residente ng katabing bayan ng Dasmariñas. 

Ayon kay Tarrazona, unang nahuli ang 2 sa isang drug buy- bust operation sa Barangay Paliparan noong Mayo 26. 

Pumunta umano ang mga suspek sa opisina ng pulis Lunes ng umaga para aregluhin ang kaso. 

Kapalit ng P200,000, hiniling umano nina Berberino at Saramos na ibaba ang kanilang kaso sa pagiging drug user mula sa pagiging drug pusher. 

Inaresto ni Tarrazona ang 2 nang aktong iaabot na ng mga ito ang pera. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.