ALAMIN: Problema sa eskuwela, saan idudulog?

ABS-CBN News

Posted at May 29 2017 09:08 PM

Isang linggo na lang, magsisimula na muli ang mga klase sa buong bansa.

Kasabay ng mga paghahanda sa pasukan, umarangkada na ang Oplan Balik Eskwela Information and Action Centers (OBEIAC) ng Department of Education (DepEd).

Layunin nitong tugunan ang mga problema ng mga guro, estudyante, at magulang bago, habang, at pagkatapos ng unang linggo ng klase.

Nationwide ang OBEIAC kaya puwedeng dumulog maging iyong mga nakatira sa labas ng NCR.

Bukas ang Help Desk buong linggo, mula 7 A.M. hanggang 6 P.M. at magtatagal hanggang June 16, 2017.

Para sa mga katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng kanilang hotlines, social media accounts, at e-mail.

Hotlines: 
636-1663; 633-1942; 636-6549; 635-0552; 638-7530; 638-7531; 635-9817; 638-7529; 636-6550; 637-9814; 633-7252; 632-1370; 632-1364; 638-1793; 632-1368; 632-1361

Fax: 638-8641; 634-0222
Text: 0919-456-0027
Email: action@deped.gov.ph
Facebook: facebook.com/DepEdPhilippines
Twitter: twitter.com/DepEd_PH

-- Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.