PatrolPH

Umano'y palaboy patay sa pamamaril sa Caloocan

Champ de Lunas, ABS-CBN News

Posted at May 28 2023 12:47 PM

Patay ang isang palaboy na lalaki matapos barilin sa Caloocan City noong gabi ng Sabado, ayon sa pulisya.

Ayon kay Police Capt. Joselito Santos, base sa paunang imbestigasyon, nakatayo ang 21 anyos na biktima sa isang madilim na sulok sa may Barangay Bagong Silang nang biglang paputukan nang ilang beses ng hindi pa nakikilalang gunman.

"Mayroon siyang ginagawang mga bagay gaya ng biglang yumayakap sa mga tao. Tinitingnan sa mga anggulo na 'yon kung nagkaroon ng sama ng loob sa kaniya," ani Santos.

Narekober naman sa crime scene ang 3 basyo ng bala.

FROM THE ARCHIVES

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.