Naghahanda na ang mga awtoridad sa Ilocos Norte bilang paghahanda sa sama ng panahong dala ng bagyong Betty. Photo courtesy: Ilocos Norte PNP
Maulap na kalangitan at pabugso-bugsong hangin ang nararasanan sa ilang bahagi ng Ilocos Norte na dulot ng bagyong Betty, nitong Linggo.
Pinagbawalan na ang mga mangingisda na pumalaot.
Mismong mga pulis na ang pumunta sa mga coastal areas para masiguro na walang mga papalaot na mangingisda.
Naka-deploy na rin ang mga pulis sa iba't-ibang bahagi ng lalawigan lalo na sa mga lugar na madalas na nababaha at mga coastal areas.
Naka-standby na rin ang Laoag City Disaster Risk Reduction and Management Office at naihanda na nila ang kanilang mga gamit.
Mino-monitor na rin ng lokal na pamahalaan ang sitwasyon sa mga coastal barangays at pangunahing kalsada sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.
Kasabay nito, naihanda na rin ang mga relief goods at ang mga evacuation centers at binabantayan na ang national highway sa barangay Pancian na madalas na nagkaka-landslide.
Ito ang pangunahing kalsada papuntang Cagayan at papasok sa Ilocos Norte.
—Ulat ni Randy Menor
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.