PatrolPH

SUV wasak ang harapan matapos mabangga ang 2 kalabaw

ABS-CBN News

Posted at May 28 2022 02:08 PM


ILOCOS SUR – Wasak ang harapan ng isang SUV matapos itong bumangga sa mga kalabaw sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur Huwebes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP, habang binabaybay ng SUV ang national highway sa Barangay Quinarayan, biglang sumulpot ang dalawang kalabaw na sanhi ng aksidente. 

Natakot umano ang mga kalabaw dahil sa kulog at kidlat kaya nakawala ito sa kanilang pagkakatali at napatakbo sa kalsada.

Nasa mabuting kalagayan ang mga kalabaw pero bahagya silang nasaktan.

Handa umanong bayaran ng may-ari ng kalabaw ang gastos sa pagpapaayos ng nabanggang sasakyan. – Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.