PatrolPH

Hilusig Bridge sa Leyte bukas na ulit sa mga motorista

ABS-CBN News

Posted at May 28 2022 02:06 PM

Bukas na muli ang Hilusig Bridge sa Mahaplag, Leyte. Larawan mula sa DPWH Region 8Bukas na muli ang Hilusig Bridge sa Mahaplag, Leyte. Larawan mula sa DPWH Region 8
Bukas na muli ang Hilusig Bridge sa Mahaplag, Leyte. Larawan mula sa DPWH Region 8

Higit isang buwan matapos ang pananalasa ng bagyong Agaton, nadadaanan na muli ng lahat ng uri ng mga sasakyan ang Hilusig Bridge sa Maharlika Highway sa bayan ng Mahaplag, Leyte.

Natapos na ang pag-aayos sa approach na bahagi ng tulay na naapektuhan ng nagdaang bagyo, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Eastern Visayas.

Matatandaang hindi muna pinadaanan sa mga sasakyan ang Hilusig Bridge matapos magdulot ng pinsala ang malawakang pagbaha dahil sa walang tigil na pag-ulan na dala ng Agaton.

Hindi bababa sa P6.9 milyon ang naging pinsala sa imprastruktura ng Agaton, habang P3 bilyon naman sa sektor ng agrikultura, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Higit 200 ang naitalang patay dahil sa naturang bagyo.

—ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.