PatrolPH

Mayor Oscar Moreno nais isailalim sa GCQ ang Cagayan De Oro

ABS-CBN News

Posted at May 28 2021 02:30 AM

Nais ni Mayor Oscar Moreno na isailalim sa general community quarantine (GCQ) status ang Cagayan de Oro City dahil sa mabilis na pag-akyat ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Plano ni Moreno na sumulat sa national Inter-Agency Task Force (IATF) para makumbinsi silang iakyat ang quarantine level sa Cagayan de Oro mula Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ngayong Huwebes, may dagdag na 111 COVID-19 cases sa lungsod, umaabot na sa 1,085 ang active cases. 

Dahil dito ang Cagayan de Oro ang may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong Region 10.

Naglabas na ng Executive Order No. 046-2021 si Moreno kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang mga gathering sa beach resorts, swimming pools, birthday at group o organizational parties para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 — Ulat ni PJ dela Peña

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.