Driver ng padyak, tiklo sa panghahalay umano sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 03:16 AM | Updated as of May 28 2020 04:04 AM

Inaresto ang isang driver ng padyak nitong Martes ng hapon matapos umanong pagsamantalahan ang isang babae sa bayan ng EB Magalona, Negros Occidental.

Naghain ng reklamo ang isang 15 anyos na dalagita na pinagsamantalahan umano ng suspek.

Nagsumbong ang biktima na pinaniniwalaang may deperensya umano sa pag-iisip, sa mga miyembro ng Women and Children’s Protection Desk na inabuso siya ng driver.

Mga batok sa ulo mula sa ilang detainees ang natamo ng 45 anyos na suspek habang pinapasok siya sa detention cell ng EB Magalona Police Station.

Sa imbestigasyon ng pulis, binigyan siya umano ng P50 ng suspek bago nangyari ang krimen.

Inamin ng suspek ang nagawa sa biktima sabay ang pagsisisi sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.