PatrolPH

'Cashless' pamasahe bagong sistema sa ilang public transpo kontra COVID-19

ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 04:02 PM | Updated as of May 28 2020 06:40 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Sakaling ipatupad na ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, maaari nang pumasada ang ilang pampublikong transportasyon tulad ng taxi at transport network vehicle service (TNVS). 

Pero sakaling magbalik-pasada na, hindi na papayagan pang muli ang pagbabayad ng cash bilang pag-iingat sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa isang consultant ng Department of Transportation (DOTr), automatic fare collection system (AFCS) na ang magiging patakaran sa mga taxi at TNVS, kagaya ng Grab. 

'Pagka-AFCS, hind lang 'yung fare ang makikita, kundi sino 'yung tao na 'yun, anong taxi siya sumakay, anong oras siya sumakay. Kasi kung pera 'yan siyempre kung halimbawa may COVID-9 'yung pera tapos inabot nung driver, tapos pagka may sumunod na pasahero na sasakay, isusukli 'yun so nagpalipat-lipat na 'yung transmission 'nun," ani Albert Suansing. 

Ayon kay Suansing, hindi makabibiyahe ang mga TNVS at taxi kung walang AFCS.

Ngayong Huwebes nakatakdang magpasya si Pangulong Rodrigo Duterte kung isasailalim na nga ba sa GCQ ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.