2 bomba natagpuan sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 04:04 PM | Updated as of May 28 2020 05:24 PM

Sa tulong ng mga residente, natunton ng mga sundalo ang kinalalagyan ng dalawang improvised explosive sa bayan ng Pinabacdao sa Samar. Larawan mula sa 801st Brigade ng Philippine Army


PINABACDAO, Samar - Dalawang improvised explosive device ang narekober ng militar sa boundary ng Barangay Parasanon at Barangay Pelaon.

Ayon sa report, nakuha ng mga sundalo ang IED na may kasamang blasting caps at wires noong Lunes ng umaga sa tulong ng mga residente na nagbigay sa kanila ng impormasyon kung saan matatagpuan ang mga pampasabog.

Agad nirespondehan ng mga kasapi ng 46th Infantry Battalion na malapit sa lugar at nakumpirma itong mga bomba.

Pinasasalamatan naman ng mga sundalo ang mga residente sa maagang pagbibigay ng impormasyon at naiwasan ang sakuna sakaling sumabog ang mga ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.