Tricycle driver, balik-kulungan matapos mahuli sa buy-bust sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at May 28 2019 04:30 PM

Sa kulungan ang balik ng lalaking kalalabas lamang ng bilangguan noong nakaraang taon matapos na mahuli sa buy-bust operation sa Davao City.


DAVAO CITY—Balik-kulungan ang 39-anyos na tricycle driver matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa distrito ng Toril, Barangay Poblacion sa lungsod na ito, Martes ng madaling araw.

Nabilihan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang suspek. Tatlo pang sachet ng umanong shabu ang nakuha mula sa kaniya na nagkakahalagang P5,000.

Walong taong nakulong ang suspek at noong Oktubre 2018 lang nakalaya. 

Pero napag-alamang bumalik ito sa paggamit at pagbebenta ng shabu.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang suspek. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.