Publiko pinag-iingat ng FDA vs pekeng beauty cream

ABS-CBN News

Posted at May 28 2019 05:54 PM

 

Pinag-iingat ng Food and Drug Administration ang publiko laban sa mga kumakalat na pekeng whitening cream ng isang local brand. 

Sa abiso na inilabas ng FDA ngayong Martes, nagbabala ang regulator sa publiko na may mga kumakalat umano na pekeng bersiyon ng ilang produkto ng RDL: 

  • RDL Babyface Whitening Night Cream 5 in 1 
  • RDL Face Off Fade-Out Cream Day Cream 

Gawa umano sa Davao City ang mga produkto at pawang mag-e-expire sa 2021 at 2022. 

Ayon sa FDA, maaaring makasama sa balat o kaya sa katawan ang paggamit ng mga nasabing produkto. 

Dahil dito, nag-abiso ang FDA na maging mapagmatiyag sa pagbibili ng mga produkto at suriin nang mabuti ang packaging nito. 

Nanawagan din ang FDA sa mga lokal na pamahalaan at ahensiya na siguraduhing hindi nabebenta saan man ang mga pekeng produkto. 

Sa iba pang serye ng mga abiso, pinag-iingat ng FDA ang publiko sa iba pang umano'y counterfeit na imported sheet masks, maskara, at lip gloss. 

Pawang gawa sa Tsina at Korea ang mga naturang produkto. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.