Toxic-free balik eskuwela, isinusulong

ABS-CBN News

Posted at May 28 2017 06:21 PM | Updated as of May 28 2017 10:39 PM

Habang abala ang marami sa pamimili ng school supplies, muling nagpaalala ang grupong EcoWaste Coalition sa peligro ng mga kemikal na posibleng nakahalo sa ilang gamit sa eskwela.

Ayon sa grupo, napatunayan ng mga eksperto ang masamang epekto sa kalusugan ng mga kemikal, gaya ng lead na kadalasan nakahalo sa pintura at mercury na nasa ilang gamit sa classroom gaya ng fluorescent lamps.

Kaya naglabas din ang Department of Education ng Department Order No. 4 noong Enero 2017 na nag-oobliga sa mga eskwelahan na gumamit lang ng lead-safe na pintura.

Kabilang sa "Toxic-Free Back-to-School" campaign ng grupo ang paalala sa consumers para maiwasan ang exposure sa mga nakalalasong kemikal.

Una, dapat siguraduhing may safety seal ang lahat ng binibiling school supplies.

Kapag may mga natanggal na mga pintura mula sa pader o school furniture, linisin agad para hindi mahawakan ng mga bata.

Dapat ugaliin din ng mga bata ang basic hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay at pagpapalit ng damit.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.